Sinimulan ngayong araw ng mga mambabatas na Tsino ang pagrepaso ng civil code sa taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan, o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Napag-alamang ang civil code, isa sa mga priyoridad ng agenda ng kasalukuyang sesyon ay magiging kauna-unahang saligang batas na pansibil ng Tsina. Pinagsama-sama at nirerebisa nito ang mga umiiral na batas at regulasyong pansibil. Binubuo ang code ng panlahat na probisyon at anim na bahagi na may kinalaman sa ari-arian, kontrata, personality rights, kasal at pamilya, pagmana, at torts liability.
Salin: Jade
Pulido: Mac