Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sino ang inutil? Patutunayan ito ang datos—panig Tsino

(GMT+08:00) 2020-06-02 15:53:32       CRI

Sinabi nitong Lunes, Hunyo 1, 2020 sa Beijing ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pagitan ng Tsina at Amerika, sino ang walang kakayahan? Sino ang inutil sa pagharap sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic? Patutunayan ito ng datos.

Hinimok niya ang mga personaheng Amerikano na gusto markahan at isapulitika ang virus, na pag-ukulan ng pansin at lakas ang paglaban sa epidemiya sa loob ng kanilang bansa.

Ayon sa ulat, sa news briefing noong Mayo 29, muling binatikos ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang Tsina na di-mabisa ang pagharap sa pandemiya ng COVID-19, bagay na humantong sa paghihirap ng buong mundo.

Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao Lijian na di-angkop sa katotohanan ang ganitong pananalita, at kawalang-paggalang ito sa napakalaking pagsisikap at sakripisyo ng mga mamamayang Tsino para sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

Sa kasalukuyan, lampas na sa 1.8 milyon ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 100,000 ang mga pumanaw rito. Ang nasabing dalawang datos ay halos 22 ulit na mas malaki sa mga datos ng Tsina.

Ayon sa resulta ng pananaliksik ng Columbia University na inilabas sa website ng New York Times noong Mayo 20, ang pag-antala ng hakbangin ng Amerika sa social distancing ay nagbunga ng pagpanaw ng di-kukulangin sa 36,000 katao: kung isinagawa ng pamahalaang Amerikano ang hakbangin sa social distancing nang maaga ng isang linggo, 36,000 pang buhay ang maililigtas; kung isinagawa ang social distancing nang maaga ng dalawang linggo, maililigtas ang 83% ng mga pumanaw sa COVID-19.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>