Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Paninisi sa WHO, dapat itigil ng mga pulitikong Amerikano

(GMT+08:00) 2020-05-21 15:42:29       CRI

Isang liham para kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) ang inilabas nitong Lunes, Mayo 18, 2020, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa kanyang social media account.

Binalaan ni Trump si Ghebreyesus na kung hindi isasagawa ng WHO ang malaking substansyal na reporma sa loob ng 30 araw, permanenteng ititigil ng Amerika ang pagbibigay-pondo sa WHO, at isasaalang-alang ang pagkalas sa organisasyong ito.

Kaugnay nito, noong nagdaang buwan maaalalang sinabihan ng panig Amerikano ang WHO na ito ay nagpabaya sa pagpigil sa epidemiya, at dahil sa pangangatuwirang ito, pansamantalang itinigil ng Amerika ang pagkakaloob ng pondo sa WHO.

Ang nasabing liham ang pinakahuling palabas ng Amerika kaugnay ng walang-patid na pagbabaling ng sisi sa iba.

Sa kabilang dako, sa katatapos na Ika-73 World Health Assembly (WHA), magkakasunod na ipinagdiinan ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at lider ng maraming bansa na gaya ng Alemanya at Pransya ang buong tatag na suporta sa WHO.

Diin nila, ngayon ang panahon para sa pagbubuklud-buklod, sa halip na pagbatikos o pagsira sa multilateral na kooperasyon.

Samantala, hayagang ipinatalastas ng Unyong Europeo (EU) ang pagdaragdag ng pondo sa WHO.

Kahit magulo ang proseso ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 pandemic sa Amerika, at abalang-abala pa rin ang mga pulitikong Amerikano sa paghahanap ng katwiran para pagtakpan ang kanilang kamalian at walang-patid na ibaling ang sisi sa iba.

Ang ganitong nakakadiring kilos ay hindi lamang magpapasidhi sa imoralidad ng kasalukuyang administrasyon ng Amerika, kundi makakasira rin sa pagtitiwalaan at komong palagay ng komunidad ng daigdig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>