|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng Fox News, sinabi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang Tsina ay "nakakapinsala" sa kapakanan ng Amerika at mga partner na mga kanluraning bansa, at ang Tsina ay banta sa kanluran. Sinabi ni Pompeo na dapat magkaisa ang Amerika at Europa para labanan ang Tsina.
Pero, maliwanag sa mga mamamayan ng Europa sa papel na ginagampanan ng Amerika sa harap ng pandaigdigang krisis ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Inulat kamakailan ng "Business Insider" ng Amerika na ayon sa isang survey, sa panahon ng epidemiya, nag-iwan ang Amerika ng mas masamang impresyon sa 73% na Aleman; at bumaba sa 17% ang support rate ng mga mamamayan ng Italy sa Amerika.
Sa katotohanan, ipinaliwanag ng mga mamamayan ng Europa na inuuna ng ilang politikong Amerikano ang sariling kapakanang pulitikal, sa halip ng pagtalima sa interes ng Europa. Para sa ilang politikong Amerikano, na kinakatawan ni Pompeo, ang Europa ay "stepping stone" lang ng Amerika sa landas ng pagsasakatuparan ng "Amerika Muna."
Bilang napakalaking bansa sa daigdig, walang anumang epektibong patakaran ng Amerika sa harap ng epidemiya, na nauwi sa pagkamatay ng mahigit 100 libong tao. Dahil sa insidente ng pagkamatay ni George Lloyd, African American na naganap kamakailan, naganap din sa Amerika ang demonstrasyon, at ipapadala ng lider ng Amerika ang tropang militar para sugpuin ang laganap na karahasan. Isinagawa ng mga protestador mula sa Britanya, Alemanya at iba pang bansa ang demonstrasyon bilang suporta sa mga African American. Alam nila kung sino ang totoong banta sa buong sangkatauhan, kabilang na ang mga kanluraning bansa.
Sapul nang lumitaw ang epidemiya ng COVID-19, sinusuportahan at tinutulungan ng isa't isa ang Tsina at Europa; sino ang totoong kaibigan at sino ang peke, alam ito ng mga mamamayan ng Europa sa kanilang kalooban.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |