Sa kanyang talumpati sa talakayan ng mga eksperto at iskolar na idinaos nitong Martes ng hapon, Hunyo 2, 2020, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa mataas na pulitikal na damdamin ng responsibilidad at tungkulin, napapatingkad ng napakaraming mga eksperto at iskolar ng bansa ang kanilang bentahe at nakakapagbigay ng mahalagang ambag sa usaping ito.
Sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, ipinaabot ni Xi ang taos-pusong pasasalamat sa mga eksperto at iskolar.
Salin: Lito