|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Hunyo 2, 2020, nangulo at bumigkas ng mahalagang talumpati si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa talakayan ng mga eksperto at iskolar.
Ipinagdiinan niya na dapat itatag ang malakas na sistema ng pampublikong kalusugan, kumpletuhin ang mekanismo ng reaksyon, at komprehensibong itaas ang kakayahan sa pagpigil at pagkontrol at pagbibigay-lunas para magkaloob ng malakas na garantiya sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan.
Ani Xi, sa gawain ng pagbibigay-lunas sa mga maysakit ng COVID-19, iginigiit ng Tsina ang pagpapauna ng mga mamamayan at buhay. Walang katulad aniyang ini-organisa ng bansa ang mga yaman ng buong bansa para maisagawa ang malawakang pagliligtas at pagbibigay-lunas, at hindi mapabayaan ang bawat maysakit ng COVID-19 na kinabibilangan ng mga bagong silang na sanggol hanggang sa 100 taong gulang na matatanda.
Diin ni Xi, pasusulungin ng Tsina ang pagsusog at pagbalangkas ng mga kaukulang batas na gaya ng batas ng pagpigil at pagbibigay-lunas sa epidemiya, batas ng pagharap sa biglaang insidente ng pampublikong kalusugan, at iba pa upang ibayo pang mapabuti sa lebel na pambatas, ang mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa malaki at biglaang epidemiya.
Dagdag ni Xi, patuloy na tutupdin ng Tsina ang obligasyong pandaigdig at mapapatingkad ang papel nito bilang pinakamalaking bansang nagsusuplay ng kagamitang medikal sa buong daigdig. Patuloy na magsisikap ang Tsina kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig para maitatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan, aniya pa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |