|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Hunyo 1, local time, 2020, ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa iba't ibang estado na kung hindi nila mabisang makokontrol ang mga demonstrasyon, isasa-alang-alang ng pamahalaang pederal ang direktang pagdedeploy ng tropang militar sa mga estado.
Ang pahayag na ito ay mariing tinutulan at binatikos ng maraming gobernador.
Sinabi ni J.B. Pritzker, Gobernador ng Estadong Illinois, na ang pananalita ng pangulo ay magpapasidhi lamang sa kalagayan, at di puwedeng ipadala ng pamahalaang pederal ang mga sundalo sa kanyang estado, kung walang permiso ng pamahalaan ng estado.
Sa kanya namang pahayag, binatikos ni Gobernador Jay Inslee ng Estadong Washington ang plano ni Trump. Aniya, muling pinatutunayan ng ganitong pananalita ang pagka-inutil ni Trump.
Sa news briefing nitong Martes, ipinagdiinan naman ni Gobernador Greg Abbott ng Estadong Texas na hindi kinakailangan ng kanyang estado ang pakikialam ng tropang militar.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |