Habang kinokober nitong Martes, Hunyo 2, 2020 ni Nicole Roussell, Producer ng Spuntnik news agency ng Rusya, ang demonstrasyon sa paligid ng White House, kahit ipinakita niya ang kanyang press card, nasugatan siya dahil sa pagbaril ng rubber bullets ng mga pulis.
Hiniling ni Dmitry Kiselev, General Director ng Russia Today International Information Agency, sa awtoridad ng Amerika na imbestigahan ang ganitong ilegal na aksyong nakatuon sa industriya ng pagbabalita.
Sa pahayag na inilabas sa official website ng Ministring Panlabas ng Rusya, inihayag nito ang galit sa isinagawang karahasan sa mga tauhan ng pagpapatupad ng batas ng Amerika sa mga alagad ng media ng daigdig at ng Rusya.
Ipinalalagay ng nasabing ministri na ang awtoridad ng Amerika ay lantarang sumasalungat sa pandaigdigang obligasyong pambatas. Hinimok nito ang kaukulang organisasyong pandaigdig at mga organisasyong di-pampamahalaan ng karapatang pantao na maglabas ng reaksyon tungkol dito. Humiling din sa awtoridad ng Amerika na agarang isagawa ang hakbangin upang pigilan ang pagiging target ng malakas na karahasan ng mga pulis ang mga mamamahayag.
Salin: Vera