|
||||||||
|
||
Ang pagpaslang kamakailan ng isang itim na tsuper dahil sa marahas na pagpapatupad ng batas ng 4 na puting pulis sa Minneapolis ay nagbunsod ng malawakang protesta sa mahigit 70 lunsod sa Amerika. Sa ilang demonstrasyon, naganap ang karahasan gaya ng pagninira, panloloob, pagsunog at marahas na pagsugod. Nangyari sa mga kalye ng Hong Kong ang mga katulad na pangyayari noong isang taon.
Pero nakalimutan na ang mga politikong Amerikano sa kanilang pakikipagsabwatan sa karahasan sa mga kalye ng Hong Kong, higit sa lahat, pagpapaganda ng ganitong marahas na aktibidad bilang "a beautiful sight to behold." Tinawag nila ang mga rioter sa Hong Kong na "democratic fighter," at buong tikis na binahiran ang mga pulis ng Hong Kong na naggigiit sa propesyonal at sibilisadong pagpapatupad ng batas.
Nang maganap sa Amerika ang katulad na situwasyon, itinuturing na kaguluhan ang mga demonstrasyon sa maraming lugar ng Amerika; naging "rioter" ang mga sibilyang Amerikano na nagpoprotesta sa rasismo; at naging "modelo" ang mga pulis na umararo gamit ang kotse sa mga demonstrator. Higit sa lahat, nagbabala ang mga politikong Amerikano na direktang babarilin ang mga demonstrator, at masawata ang gulo, sa pamamagitan ng tropang militar.
Tinukoy sa social media ni John Ross, kilalang iskolar ng Britanya na pagkaraang ihambing ang kalagayan sa Estadong Minnesota at Hong Kong, ang panig pulisya ng Minnesota ay siyang tanging pumatay sa siblyan at lumapastangan sa karapatang pantao, sa halip ng mga pulis ng Hong Kong. Kahit magkabia ang esensya ng kagulugan sa Amerika at kaharasan sa Hong Kong, pinag-uukulan pa rin ng Amerika ng pansin ang panggugulo sa Hong Kong. Nakikita ng mga tao na ang tunay na pinahahalagahan ng ilang politikong Amerikano ay paghihikayat ng balota at benepisyong pulitikal, sa pamamagitan ng panggugulo sa Hong Kong, at paghadlang sa pag-unlad ng Tsina. Walang alinmang pagkabahala sila sa kabiyayaan ng mga taga-Hong Kong.
Mungkahi sa mga politikong Amerikano na huwag gawin ang mga di pinag-isipang bagay-bahay na makakapinsala sa sariling kapakanan at kapakanan ng ibang panig, at pag-ukulan ng pansin ang pagresolba sa kapootan sa loob ng sariling teritoryo.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |