|
||||||||
|
||
Ipinahayag muli Hunyo 3, 2020, ni Michelle Bachelet, Mataas na Komisyoner ng United Nations sa mga suliranin ng Karapatang Pantao, na kung nais matapos ng Amerika ang kulunus-lunos na kalagayan ng rasismo at karahasan, dapat nitong pakinggan at lutasin ang pangunahing kahilingan ng mga demonstrador sa ilang lunsod ng bansa.
Binigyan-diin ni Bachelet na sa anumang panahon, partikular na sa panahon ng krisis, dapat maliwanag na tinututulan ng lider ng bansa ang rasismo, at isinasagawa ang aksyon para lutasin ang kawalan ng katarungan.
Napansin din ni Bachelet ang mahigit 200 insidente kung saan ang mga mamamahayag na nagkokober sa protesta ay sinalakay, tinakot, o dinakip nang walang katwiran, kahit ang kanilang kredensyal ay malinaw na nakikita.
Ito aniya ay labag sa kalayaan sa pananalita at pamamahayag.
Ipinahayag din niya ang pagkabahala sa mga pahayag, na nagtuturing sa mga demonstrador bilang terorista.
Sinabi pa ni Bachelet na dapat ipahayag ng mga demostrador ang kanilang kahilingan sa pamamagitan ng mapayapang paraan, at hindi dapat ginagamit ng panig ng pulisya ang marahas na paraan para maiwasan ang lalo pang paglala ng kalagayan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |