|
||||||||
|
||
Inilabas kamakailan ng official website at Facebook account ng Ministring Panlabas ng Myanmar ang pahayag ni U Kyaw Tin, Ministro ng International Cooperation ng Myanmar, bilang suporta sa lehislasyon ng pambansang seguridad para sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Anang pahayag, nauunawaan ng panig ng Myanmar ang pagkabahala ng panig Tsino sa pangangalaga sa katatagan at pambansang seguridad ng HKSAR.
Anang pahayag, mahigpit na sinusunod ng Myanmar ang simulaing Isang Tsina, palagiang kinakatigan ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at kinikilala ang Hong Kong bilang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.
Upang mapangalagaan ang soberanya, kapayapaan, katatagan at katiwasayan ng bansa, may karapatan ang soberanong bansa sa pagsasagawa ng kinakailangang hakbanging prebentibo na kinabibilangan ng lehislasyon, dagdag ng pahayag.
Nananalig si U Kyaw Tin na sa ilalim ng balangkas ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," patuloy na magtatamasa ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan ang mga taga-Hong Kong
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |