|
||||||||
|
||
Ngayong araw ay World Environment Day. Ang tema nito ay "Time for Nature."
Nitong ilang taong nakalipas, inilagay ang konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon sa estratehiya ng pag-unlad ng Tsina. Ang "may harmoniya na pamumuhay ng kalikasan at sangkatauhan" ay naging pundamental na patakaran ng Tsina.
Madalas na binibigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran ng mundo. Sa kanyang paglalakbay noong Marso 31, 2020 sa lunsod Hangzhou ng Tsina, tinukoy ni Xi na, hindi dapat sirain ang ekolohikal na kapaligiran sa proseso ng pag-unlad ng industriyang panturism. Sinabi niya na "Lucid waters and lush mountains are invaluable assets," ang pagpapabuti ng kalikasan ay makabuti din sa pag-unlad ng produktibidad.
Lumahok din noong Abril, 3, 2020, si Xi, kasama ng mga mamamayan ng Beijing, sa voluntary tree-planting. Noong panahong iyon, mabuti na ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina, at walang humpay na pinapapasulong ang pagpapanumbalik ng trabaho. Sinabi ni Xi na ang voluntary tree-planting ay mayroong mga katuturan: pasulungin ang pagpapanumbalik ng trabaho at kaayusang panlipunan sa lalo madaling panahon; papurihan ang ideya ng paggalang ng kalikasan, at iba pa.
Idinaos Hunyo 5, 2019, ang Global Home Events ng 2019 World Environment Day sa lunsod Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina. Sa kanyang mensaheng pambati, tinukoy ni Pangulong Xi na iisa lang ang mundo para sa buong sangkatauhan. Ang pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ay komong responsibilidad ng iba't ibang bansa ng daigdig. Sa hinaharap, nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, para itatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauahan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |