Inilabas nitong Huwebes, Oktubre 24, 2019 ng World Bank (WB) ang Doing Business 2020 Report. Ipinakikita ng nasabing ulat na 77.9 puntos ang pangkalahatang iskor ng kapaligirang pang-negosyo ng Tsina. Ito ay nasa ika-31 puwesto sa daigdig, na tumaas ng 15 puwesto kumpara noong isang taon. Ang Tsina ay itinuring ng WB na isa sa 10 ekonomiya na may pinakamalaking pagbuti ng kapaligirang pang-negosyo sa buong mundo nitong nakalipas na 2 taong singkad.
Kabilang sa mga indeks ng kasalukuyang pagtasa, tumaas ang puwesto ng Tsina sa 8 indeks sa mga aspektong gaya ng paghawak sa lisensiyang arkitektural, pangangalaga sa mga katam-taman at maliliit na manumuhunan, paghawak sa pagkabangkarote, transnasyonal na kalakalan at pagbabayad ng buwis, pagkuha ng koryente, pagpapatupad ng mga kontrata, pagpapasimula ng mga bahay-kalakal at iba pa.
Salin: Vera