|
||||||||
|
||
Ipinalabas nitong Linggo, Hunyo 7, 2020 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka Laban sa COVID-19," kung saan ibinabahagi ang mga mabisang hakbangin sa paglunas, pagpigil at pagkontrol sa paglaganap ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag sa naturang dokumento, na ginawang pokus ng pamahalaang Tsino ang "pagpapauna sa mga mamamayan."
Ito ay mahalagang sangkap kung bakit natamo ng Tsina ang mahalagang estratehikong bunga sa pamamagitan lamang ng tatlong buwan.
Ang "pagpapauna sa mga mamamayan" ay nangangahulugang pagpapahalaga sa kapakanan ng mga mamamayan sa anumang panahon, at ang tagumpay ng laban sa epidemiya ay nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan.
Makaraang sumiklab ang epidemiya, palagiang binibigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat ipauna ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Magkakasunod niyang pinanguluhan ang 14 na pulong ng pirmihang lupon ng Pulitburo ng Komite Senteal ng CPC, 4 na beses na pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at iba pang mga mahalagang pulong.
Bukod dito, magkakasunod din siyang naglakbay-suri sa ibat-ibang lugar ng bansa na gaya ng Beijing, at Wuhan para napapanahong isaayos ang estratehiya ng pagpigil at pagkontrol, at agarang gawin ang mga katugong desisyon.
Hanggang noong Mayo 31, nasa 94.3% ang recovery rate ng COVID-19 sa Tsina.
Ang mahigpit na pagdepende sa mga mamamayan ay isa pang maliwanag na ideya ng pagpapauna sa mga mamamayan.
Sa harap ng krisis, lahat ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino ay nagkaisa sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Sa aspekto naman ng pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon, nananalig ang mga mamamayang Tsino na sa ilalim ng pagkakaisa at pagtutulungan, tiyak na maisasakatuparan ang ibat-ibang target sa nakatakdang panahon tungo sa mas masaganang kinabukasan at pagbibigay ng bagong ambag sa pag-unlad ng buong daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |