|
||||||||
|
||
Isinapubliko Linggo, Hunyo 7, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka Laban sa COVID-19."
Ang nasabing white paper ay isang mahalagang dokumentong nagpapakita sa napakahirap na prosesong pinagdaanan ng Tsina sa pakikibaka laban sa COVID-19.
Mayroon itong apat na bahaging kinabibilangan ng: proseso sa paglaban sa epidemiya; koordinado at magkasamang pakikibaka laban sa epidemiya sa larangan ng pagpigil at pagkontrol, at pagbibigay-lunas; paglikom ng napakalakas na puwersa sa pakikibaka laban sa epidemiya; at magkakasamang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan.
Ayon sa white paper, sa harap ng walang-katulad at biglaang epidemiya, lubos na pinahahalagahan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino, ang dagliang pagsasagawa ng mga katugong hakbangin.
Sa pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, nagkaroon ng napakalaking kompiyansa at puwersa, at malinaw na direksyon ang mga mamamayang Tsino sa usaping ito.
Dagdag pa ng dokumento, sa dalawang larangang kinabibilangan ng pagpigil at pagkontrol, at pagbibigay-lunas, isinagawa ng Tsina ang pinaka-komprehensibo at pinakamahigpit na hakbangin, isinagawa nito ang walang-katulad na malawakang hakbangin ng pagkuwarentina, at inorganisa ang yaman ng buong bansa para sa malawakang pagbibigay-lunas sa mga maysakit.
Diin nito, sa harap ng biglang pagsiklab ng epidemiya, iginiit ng Tsina ang pagpapauna sa buhay ng mga mamamayan.
Ginamit nito ang puwersa ng buong bansa upang maigarantiya ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Anang white paper, matapos ang napakalaking pagpupunyagi, isinabalikat ng Tsina ang napakalaking kapinsalaan at sakripisyo, bagay na mabisang nakapagpigil at nakapagkontrol sa kalagayang epidemiko.
Nakuha ng Tsina ang malaking estratehikong bunga sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Dagdag pa nito, palagiang iginigiit ng Tsina ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at isinasabalikat ang responsibilidad bilang isang malaking bansa.
Sa bukas, malinaw, at responsableng atityud, agaran nitong ipinagbigay-alam ang mga kaukulang impormasyon ng epidemiya sa komunidad ng daigdig, at walang reserbasyong ibinahagi ang mga karanasan sa iba't-ibang apektadong bansa.
Sa bandang huli, tinukoy ng white paper na ang pagkakaisa at pagtutulungan ay malakas na sandata ng komunidad ng daigdig para mapagtagumpayan ang epidemiya.
Dapat anitong magkakasamang magsikap ang iba't-ibang bansa para maitatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan.
Narito ang buong teksto ng white paper:
http://www.xinhuanet.com/english/2020-06/07/c_139120424.htm
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |