Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karanasan ng Tsina sa pakikibaka sa COVID-19, pinupuri ng komunidad ng daidig

(GMT+08:00) 2020-06-08 15:28:54       CRI

Ipinalabas nitong Linggo, Hunyo 7, 2020 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka Laban sa COVID-19" kung saan nakatala ang napakahirap na proseso na pinagdaanan ng Tsina sa pakikibaka sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Hinggil dito, tinukoy ng maraming personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng komunidad ng daigdig, na lubhang mahalaga ang karanasang Tsino sa usaping ito, at ito ay may katuturang pampatnubay para sa buong daigdig.

Natamo ng Tsina ang napakalaking positibong bunga sa paglaban sa epidemiya, anila.

Ipinalalagay ni Zamir Awan, dating counsellor ng Pakistan sa Tsina, na ang nasabing white paper ay isang napakahalagang dokumentong nagbabalik-tanaw sa prosesong pinagdaanan ng Tsina sa pakikibaka sa epidemiya at mga kaukulang datos.

Ito aniya ay isa sa mga pinakamabuting patnubay sa ibang mga bansa sa usapin ng panggagamot, at pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.

Ipinahayag namn ni Robert C. Gallo, Direktor ng Instituto ng Pananaliksik sa Virus ng University of Maryland, College Park ng Amerika, na maliwanag na napakabisang hakbangin ang kuwarentinang agarang isinagawa ng pamahalaang Tsino.

Ipinahayag naman ni Abdalla Hamdok, Punong Ministro ng Transisyonal na pamahalaan ng Sudan, ang pag-asang mapag-aaralan ng kanyang bansa ang karanasang Tsino sa panggagamot, at pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.

Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa mga pagsisikap at ambag ng grupo ng ekspertong medikal ng Tsina sa Sudan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>