|
||||||||
|
||
Ipinahayag Hunyo 7, 2020, sa social media, ni Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na, ang mga mamamayan ng Tsina at mga taga-Hong Kong lamang ang may karapatang lumutas sa mga suliranin ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Wala aniyang karapatan ang ibang bansa na makialam sa isyung ito.
Ipinahayag ito ni Locsin sa kanyang pag-repost ng isang artikulo ng South China Morning Post (SCMP), isang pahayagan ng Hong Kong.
Ayon sa artikulong ito, ipinahayag Hunyo 7 ni Patrick Nip Tak-kuen, opisyal ng Hong Kong, na ang mga serbisyo publiko ng Hong Kong ay mayroong dalawang identidad: sila'y serbisyo publiko ng pamahalaan ng Hong Kong, at serbisyo publiko rin ng HKSAR ng People's Republic of China.
Sinabi ni Locsin na ang Hong Kong ay teritoryo ng Tsina.
Ang patakarang "Isang Bansa Dalawang Sistema" ay hindi nangangahulugang maaaring isagawa ng Britanya ang kolonyalismo sa Hong Kong.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |