|
||||||||
|
||
Ipinadala nitong Lunes, Hunyo 8, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Win Myint ng Myanmar ang mensaheng pambati sa isa't-isa kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko, tumataas ang lebel ng relasyon, at lumalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Ipinagdiinan ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Myanmar para lalo pang mapatibay ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at mapalakas ang multilateral na pagkokoordinahan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Win Myint ang pananalig niyang kasunod ng pagtaas ng lebel ng relasyon ng Myanmar at Tsina, ibayo pang mapapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Nang araw ring iyon, nagpadala rin ng mensahe sa isa't-isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at State Counsellor Aung San Suu Kyi ng Myanmar bilang pagbati sa nasabing okasyon.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |