Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng mga Pilipino at Tsino: nagsimula 971AD

(GMT+08:00) 2020-06-09 15:04:30       CRI

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang Ika-45 Taong Anibersaryo ng Pormal na Pagkakatatag ng Relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas, kapansin-pansin ang magagandang bunga sa relasyon ng dalawang bansa, hindi lamang sa pagbalik sa tamang landas ng nasabing ugnayan, kundi sa lalo pang pagpapabuti at pagpapataas ng lebel ng relasyong ito.

Sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas noong Nobyembre 2018, itinaas ang relasyong ito sa lebel ng "Relationship of Comprehensive Strategic Cooperation," na isang maliwanag at di-maikakailang positibong bunga ng pagkakaibigan ng dalawa bansa.

Kaugnay ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino, alam ba ninyong isanlibo at walumpu't siyam (1,089) na taon na ang relasyon ito?

Marahil, kakaunti lamang sa ating mga Pilipino ang nakakaalam nito, pero, dahil sa pagdiriwang ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina, sa palagay ko, napapanahong balik-tanawin ang pinagmulan ng lahat.

Ang malawak na karagatan ay isang napakahalagang bahagi ng pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa iba pang bahagi ng Asya at mundo.

Sa pamamagitan nito, nakapaglakbay, nakipagpalitan at nakipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga mamamayan ng mga karatig-bansa, partikular sa Tsina.

Dahil sa kalakalan, nagsipaglitawan ang mga sentro ng populasyon na gaya ng Sulu, Maguindanao, Butuan, Cebu, Maynila, Tondo, Pampanga at marami pang iba.

Kaugnay nito, alam ba ninyong taong 971AD pa lamang ay may-ugnayan na ang mga sinaunang Pilipino at Tsino sa pamamagitan ng kalakalan?

Ang unang pagkakataon na nabanggit ang Pilipinas, o bahagi ng Pilipinas sa anumang opisyal na dayuhang tala ay napapaloob sa Volume 186 ng Song Dynasty Annals ng Tsina.

Ayon sa imperyal na edict sa ikaapat na taon ng panahon ng Kai Bo (971 AD):

"Sa ikaapat na taon ng panahon ng Kai Bo (ibig sabihin, ikaapat na taon ng panunungkulan ng emperador Kai Bo), itinayo ang mga superintendiyente sa kalakalan sa dagat sa Guangzhou [kabisera ng lalawigang Guangdong sa timog silangang Tsina), Hangzhou [kabisera ng lalawigang Zhejiang province sa timogsilangang Tsina] at Mingzhou [matatagpuan sa lunsod Ningbo, lalawigang Zhejiang ng Tsina], para pamahalaan ang mga Arabe, Achen, Java, Borneo, Ma-yi [isang lugar na posibleng tumutukoy sa Laguna, Mindoro at iba pang bahagi ng Timog Katagalugang Rehiyon], at barbarong Srivijaya, kung saan ang kanilang mga kalakal ay dumaraan sa nasabing lugar... (Scott 1989, 1).

Ibig sabihin, limandaan at limampung taon (550) bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon nang ugnayan ang mga sinaunang Pilipino at Tsino.

Ito ay isang testamento sa mayamang pagpapalitan ng kaalaman, kultura, pananaw sa daigdig, kakayahan, at pagkakaibigan ng mga sinaunang Pilipino at Tsino.

Sa pagdiriwang ngayon ng Ika-45 Anibersaryo ng Pormal na Pagkakatatag ng Relasyong Sino-Pilipino, atin sanang bigyang-halaga at unawain ang realsyong ito, dahil ito ay tatak ng napakatibay na bigkis na nagbubuklod sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ulat: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>