|
||||||||
|
||
Magkasunod na tinawagan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. para ipaalam sa kanila ang mga update tungkol sa mga relief supplies na ipagkakaloob ng Tsina sa Pilipinas na kinabibilangan ng testing kits, surgical mask, N95 mask, at personal protective equipment (PPE).
Ipinahayag ni Huang na naiintindihan ng panig Tsino ang kasalukuyang kahirapan na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino.
Nakahanda aniyang ipagkaloob ng Tsina ang lahat ng makakayang tulong.
Natutuwa si Embahador Huang na sinimulan nang gamitin ang unang batch ng 2,000 testing kits na nauna nang ipinagkaloob ng panig Tsino.
Naniniwala rin siyang sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, mapagtatagumpayan ng mga Pilipino ang COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pasasalamat at sinabi niyang napapanahon ang tulong na ibinibigay ng Tsina.
Aniya, ang Tsina ay totoong kaibigan ng Pilipinas.
Ang kabaitang ipinapamalas ng Tsina ay hindi malilimutan ng mga Pilipno, aniya pa.
Samantala, tatlong beses na nag-twit si Kalihim Teodoro Locsin Jr. para ipahayag ang papuri at pasasalamat sa tulong ng panig Tsino.
Aniya, "salamat po, kapatid!"
Ulat: Sissi
Pulido: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |