|
||||||||
|
||
Sa araw ng ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, tinawagan ni Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas si Bongbong Marcos Jr., dating senador at anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Si Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas
Ipinahayag ni Huang na nitong 45 taong nakalipas, pormal na naitatag ng Tsina at Pilipinas ang relasyong diplomatiko, at nagpatuloy ang ilang libong taong pagkakabigan. Partikular, sa pag-iingat at pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Roa Duterte, pumasok sa golden era ang relasyong Sino-Pilipino. Pero, hindi nalilimutan ng Tsina ang kontribusyon ni Pangulong Marcos at ng kanyang buong pamilya at umaasang maaaring patuloy na suportahan ng pamilya ni Marcos at iba pang kaibigang Pilipino ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas at magkaroon ng bago at mas masaganang tagumpay sa hinaharap.
File Photo: Si Huang Xilian (kanan), kasama si Bongbong Marcos Jr. (kaliwa)
Nagpahayag si Bongbong Marcos ng pasasalamat sa pagtawag ni Huang sa kasalukuyang espesyal na panahon, at naalala niya ang mga karanasan habang kasama niya ang kanyang mga magulang noong 1975 sa Tsina. At nakahanda aniya siyang patuloy na katigan ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina, palakasin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng mga mamamayan, at pasulungin ang pagiging sustenable, matatag at malusog ng relasyong Pilipino-Sino.
Ulat: Sissi
Pulido: Mac/Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |