Dumanas ng malakas na pag-ulan mula noong Hunyo 2, 2020 hanggang sa kasalukuyan sa maraming lalawigan sa katimugan ng Tsina. Ayon sa namamahalang mga departamento ng yamang tubig, dahil sa epekto ng pag-ulan, naganap ang baha sa 110 ilog sa 8 lalawigan at rehiyon na kinabibilangan ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Guangdong, Fujian, Zhejiang at iba pa.
Hanggang 14:00 noong Hunyo 9, naapektuhan ng baha ang 2.62 milyong mamamayan sa 11 lalawigan. Pangkagipitang inilikas ang 228 libong mamamayan at lumubog ang mahigit 1,300 bahay. Naapektuhan din ng baha ang 145.9 libong hektarya na pananim, at umabot sa 4.04 bilyong yuan RMB ang direktang kapinsalaang pangkabuhayan.
Salin:Sarah