Ipinadala kamakailan ni Milorad Dodik, Serb member ng three-person Presidency ng Bosnia and Herzegovina, ang liham kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang suporta sa pagpapatibay ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ng kapasiyahan hinggil sa pagtatatag at pagkokompleto ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad sa pangangalaga sa pambansang seguridad ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Lubos na pinurihan niya ang palagiang simulain ng Tsina sa di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at inulit ang lubos na paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Kinondena niya ang tangkang pakikialam ng ilang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Anang liham, nakahanda siya, kasama ni Pangulong Xi, na patuloy na pasulungin ang bilateral na kooperasyon sa iba't ibang larangan, sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative.
Salin: Vera