|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng video link, binuksan nitong Biyernes, Hunyo 12, 2020 ang 2020 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Digital Economic Cooperation Year na may temang "pagtitipun-tipon ng katalinhan at puwersa sa pakikibaka laban sa COVID-19, paghahanap ng komong kaunlaran sa pamamagitan ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win result."
Isasagawa ng dalawang panig ang isang serye ng aktibidad sa mga larangang gaya ng matalinong lunsod, big data, at artificial intelligence (AI) para ibahagai ang kani-kanilang karanasan sa mga aspektong tulad ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa paraang digital, konstruksyon ng digital na imprastruktura, at pagbabagong digital. Layon nitong palugarin ang potensyal ng kooperasyon ng dalawang panig at magkasamang tamasahin ang kapakanang dala ng pag-unlad ng digital economy.
Si Miao Wei, Ministro ng Industriya at Pagsasa-impormasyon ng Tsina
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Miao Wei, Ministro ng Industriya at Pagsasa-impormasyon ng Tsina, na ang pag-unlad ng digital economy ng Tsina ay hindi lamang nakakapagpasigla sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, kundi nakakapagpataas pa ito ng kalidad ng magandang pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, pagpasok sa kasalukuyang taon, napapatingkad ng digital technology ang di-mahahalinhang papel sa mga aspektong kinabibilangan ng pagpigil at paglaban sa epidemiya, pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon, paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na tinatayang hanggang sa taong 2025, tataas sa 8.5% ang proporsiyon ng digital economy sa Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) mula 1.3% noong taong 2015. Ang Tsina aniya, ay mahalagang katuwang ng ASEAN sa pagpapasulong ng digital economy sa rehiyong ito.
Lubos ding pinapurihan ng mga kalahok na digital economy minister ng mga bansang ASEAN ang natamong bunga ng Tsina sa usaping ito. Ipinalalagay nilang natamo ng mga bansang ASEAN at Tsina ang mga positibong progreso sa kanilang bilateral at rehiyonal na digital economic cooperation.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |