|
||||||||
|
||
Ang karanasan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Loess Plateau noong siya ay 15 taong gulang ay hindi niya malilimutan.
Bilang isang educated youth, nakaranas siya ng 7 taong mahirap na pamumuhay sa nayong Liangjiahe, bayang Yanchuan sa kahilagaaan ng probinsyang Shaanxi ng bansa.
Ang karanasang ito ang naghubog sa matatag na tiwala ni Xi sa paglilingkod sa mga mamamayan.
Nang manungkulan siya bilang Party secretary sa Zhengding county, probinsyang Hebei ng Tsina, madalas siyang naglalakbay-suri sa mga nayon doon, sakay ng kanyang bisikleta.
Sa kabila ng napakahirap na kondisyon, naging malapit ang puso ni Xi at mga mamamayang lokal, at lumalim ang kanilang damdamin.
Sa panahon ng kanyang panunungkulan sa nasabing posisyon, nakapaglakbay-suri si Xi sa 200 nayon ng buong bayang Zhengding.
Nang maungkulan naman siya bilang Kalihim ng Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa probinsyang Zhejiang, regular siyang sumulat ng maikling komento para sa "Zhijiang Xinyu," espesyal na kolumn ng "Zhejiang Daily" kung saan malinaw niyang iniharap ang paninindigan tungkol sa pagpapasulong ng siyentipikong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng probinsyang Zhejiang at agaran din niyang sinagot ang mga tanong na nagbibigay ng malaking pansin sa mga mamamayan.
Ipinalalagay ni Xi na dapat gawin ng mga kadre ang mga aktuwal na bagay para sa mga mamamayan.
Itinuturing niya ang pagtasa ng mga mamamayan bilang mahalagang pamantayan sa pagsusukat ng gawain ng mga kadre.
Noong Hunyo, 2007, sinabi ni Xi, Kalihim ng Komite ng CPC sa lunsod Shanghai sa panahong iyon, na "ang totoong progreso ng gawain ay nakabase sa papuri ng mga mamamayan."
Sapul nang sumiklab ang COVID-19 noong Enero, 2020, ipinagdiinan ni Xi sa pulong ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, na dapat ipauna ng komite ng CPC at pamahalaan sa iba't-ibang antas ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Aniya, dapat gawing pinakamahalagang gawain ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, komprehensibong kumilos ang buong bansa at natamo ang yugtong tagumpay sa pakikibaka laban sa epidemiya.
"Dapat bigyan ng mabuting pamumuhay ang mga mamamayan," ito ang madalas na sinasabi ni Xi Jinping na nagpapakita ng kanyang napakalalim na damdamin para sa mga mamamayan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |