"Tayo ay miyembro ng pamilya ng Nasyong Tsino. Walang anumang etnikong grupo ang dapat maiwanan sa proseso ng pagpawi sa karalitaan, komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, at modernisasyon. Magkapit-bisig na umahon tayo. Ito ay nagpapakita, hindi lamang ng sibilisasyon ng Nasyong Tsino na may mahigit 5,000 taong kasaysayan, kundi rin ng bentahe ng sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino."
Winika ito ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa kanyang paglalakbay-suri sa Jinhuayuan community sa Jinxing Township, Rehiyong Awtonomo ng Ningxia ng bansa, nitong Lunes, Hunyo 8, 2020.
Ang Ningxia ay isa sa limang rehiyong awtonomo ng Tsina. Nakatira rito ang maraming etnikong grupo na gaya ng lahing Han, lahing Hui, lahing Uygur at iba pa.
Halos kalahati ng mga residente sa Jinhuayuan community ay mga etnikong grupo.
Salin: Vera