Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Situwasyon ng COVID-19 sa Beijing, "kritikal:" pang-araw-araw na pangangailangan, iginagarantiya

(GMT+08:00) 2020-06-16 18:18:00       CRI

Rhio Zablan

Beijing, Tsina - Sa kanyang pakikipagpulong, Hunyo 15, 2020 sa mga lokal na opisyal ng Beijing at mga miyembro ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, sinabi ni Cai Qi, Kalihim ng Beijing Municipal Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na kasalukuyang nasa kritikal na situwasyon ang lunsod ng Beijing, kasunod ng paglitaw ng mga bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Xinfadi Wholesale Market.

Binigyang-diin ni Cai na ang mahigpit na implementasyon ng mga hakbangin ng pagkontrol at pag-iwas ay kailangang bigyang priyoridad sa lunsod.

Kaugnay nito, ini-utos na ng lunsod ng Beijing ang inspeksyon ng mga farm produce market, tindahan ng gulay, restawran, at kantina ng mga ahensiya ng pamahalaan para maisiguradong ligtas sa impeksyon ang mga ito, ani Cai.

Mariin ding ipinahayag ni Cai ang kahalagahan ng pagkakaroon ng masinsinang pagsasailalim sa nuclei acid testing sa mga indibiduwal na nagkaroon ng kontak sa Xinfadi Wholesale Market at may-ari ng mga tindahan sa palengke sa buong Beijing.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Cai na lilimitahan din ang galaw ng mga personalidad na may mataas na tsansa ng pagkakaroon ng virus.

Pero, sa kabila ng mas mahigpit na hakbangin, sinigurado naman ni Cai na igagarantiya ng lokal na pamahalaan ng Beijing ang mainam na daloy ng mga pang-araw-araw na pangangailangan, at pananatilihin ang matatag na presyo ng mga bilihin.

Binalaan niya ang mga negosyante, na huwag magsasamantala sa presyo ng mga paninda dahil, papatawan sila ng kaparusahan, ayon sa batas.

Hanggang maghahating-gabi ng Martes, Hunyo 16, 2020, dalawamput pito (27) ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Beijing, at dahil dito, umabot na sa 106 ang mga naidagdag na kaso sa Beijing mula nagdaang Huwebes, Hunyo 11, 2020.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 276 farm produce market at 33, 173 negosyo ng catering ang nadisimpekta.

Maliban pa riyan, 11 underground at semi-underground na pamilihan ang pansamantalang isinarado.

Inaasahang makukumpleto ang disimpeksyon ng lahat ng negosyo ng catering sa lunsod sa pagtatapos ng araw na ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>