Sinabi sa Beijing nitong Martes, Hunyo 16, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaganapin Hunyo 18 ang High-level Video Conference on Belt and Road International Cooperation na may temang "Pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig ng Belt and Road at Magkakasamang pakikibaka laban sa COVID-19."
Ayon sa salaysay, dadalo sa nasabing pulong ang mga ministrong panlabas at opisyal sa antas na ministeriyal mula sa 25 bansa, at mga namamahalang tauhan ng United Nations (UN) at World Health Organization (WHO). Pangunguluhan ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Salin: Lito