Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Martes ng gabi, Hunyo 16, 2020 kay Pangulong Lenin Moreno ng Ecuador, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kasalukuyang kumakalat ang COVID-19 pandemic sa Ecuador. Aniya, patuloy at matatag na susuportahan ng Tsina ang Ecuador sa pakikibaka laban sa epidemiya at magkakaloob hangga't makakaya, ng mga kinakailangang tulong sa bansang ito.
Sinabi ni Xi na sa kalagayang kumakalat pa ang epidemiya sa buong daigdig, walang iba kundi pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't-ibang bansa ang siyang tanging paraan para mapagtagumpayan ang epidemiya. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa usaping ito para magkakasamang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag naman ni Moreno ang pasasalamat sa mga ibinibigay na tulong at pagkatig ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa kanyang bansa sa paglaban sa epidemiya. Ang mga ito aniya ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel sa pagharap ng Ecuador sa epidemiya.
Salin: Lito