|
||||||||
|
||
Ayon sa preskong idinaos sa Beijing at Henan nitong Hunyo 16, 2020, umabot sa 100% ang antibody positive conversion rate ng bakuna na dinedebelop ng China National Biotech Group Co Ltd (CNBG), vaccine and bioscience unit ng SinoPharm.
Ito ang kauna-unahang di-aktibong bakuna sa buong daigdig. Ito rin ang bakuna na may pinakamabuting epekto sa kasalukuyan sa buong daigdig.
Sa bagong outbreak ng COVID-19 na naganap kamakailan sa Beijing, lumitaw ang bagong uri ng gene sequence ng virus. Dahil dito, nabalisa ang ilang dalubhasa na maaaring magdulot ng paghina o kawalan ng bisa ng bakuna. Kaugnay nito, ipinahayag ni Yang Xiaoming, dalubhasa at Chairman of the Board ng CNBG na ang bagong uri ng gene sequence ng virus ay nasa loob ng coverage ng bagong bakunang ito. Hindi maaapektuhan ang bisa ng kasalukuyang bakuna.
Ipinaalam din ng CNBG na sa kasalukuyan, aktibong pinasusulong nito ang pakikipagkooperasyon sa ibang bansa sa pananaliksik ng bakuna sa Level III.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |