|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 4, 2020 sa virtual Global Vaccine Summit, ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kasalukuyang pinabibilis ng Tsina ang siyentipikong pag-aaral sa bakuna, gamut, at testing kits ng COVID-19. Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa pagdiskubre ng kaukulang bakuna.
Ani Li, matapos ang magkakasamang napakalaking pagpupunyagi ng lahat ng mga mamamayang Tsino, mabisang nakontrol na ang epidemiya. Ngunit inamin niya na hindi pa ito tapos.
Sinabi niya na patuloy na magkakaloob ang Tsina hangga't makakaya, ng tulong at suporta sa mga bansang apektado ng epidemiya, partikular na sa mga umuunlad na bansa, para tulungan sila sa pakikibaka laban sa epidemiya at mapanumbalik ang kanilang kabuhayan at lipunan.
Dagdag pa ng premyer Tsino, patuloy na kakatigan ng Tsina ang World Health Organization (WHO) sa pagpapatingkad ng nukleong papel sa mga aspektong gaya ng pakikipagkoordina sa vaccine research para magkaloob ng ligtas, mabisa, at de-kalidad na pampublikong produkto sa buong mundo.
Layon ng nasabing Global Vaccine Summit na kolektahin ang pondo para sa Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI), at maigarantiya ang pagpapalaganap ng bakuna sa buong daigdig. Dumalo sa pulong ang mga lider ng mahigit 30 bansa, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations (UN), at WHO.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |