|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono, Hunyo 17, 2020, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Subrahmanyam Jaishankar, Indian External Affairs Minister, ipinahayag ni Wang na noong gabi ng Hunyo 15, 2020, nilabag ng tropang Indiyano ang komong palagay na narating sa pagtatagpo ng Tsina at India sa antas ng komander.
Inatake aniya ng mga sundalong Indiyano ang mga opisyal at sundalo ng Tsina, na nagdulot ng alitan at kasuwalti ng mga tauhan.
Ang aksyong ito ng India ay grabeng lumabag sa kasunduan na narating ng dalawang panig hinggil sa isyu ng hanggahan at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, diin ni Wang. Hinihiling ng Tsina sa India na agarang isagawa ang imbestigasyon sa isyung ito, parusahan ang mga tauhang may kagagawan, at agarang itigil ang anumang panunulsol para maigarantiya na hindi na mauulit pa ang ganitong klase ng insidenteng tulad nito, saad ni Wang.
Sinabi pa ni Wang na para sa Tsina at India, ang paggalang at pagsuprota sa isa't isa ay ang tumpak na paraan; at ang alitan ay hindi mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Jaishankar na nakahanda ang India na patuloy na magsikap, kasama ng Tsina, para isakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, mapayapang lutasin ang alitan sa hanggahan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng diyalogo, at pahupain ang pangkagipitang kalagayan sa rehiyong panghanggahan.
Sinang-ayunan ng dalawang bansa na makatuwirang hahawakan ang insidenteng naganap sa Galwan Valley; at magkasamang susundin ang mga komong palagay, para patuloy na mapangalagaan ang kapayapaan sa mga purok na panghanggahan.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |