Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, laging kinakatigan ng Tsina ang Aprika. Ipinadala nito ang mga dalubhasang medikal sa Aprika, ibinahagi ang mga impormasyon, at ipinagkaloob ang mga kagamitan sa pagsusuri. Hindi lamang suporta sa larangan ng kalusugan ang ipinagkaloob ng Tsina, tumulong din nito sa pagbangon ng kabuhayan ng Aprika.
Ito ang winika ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), sa regular na news briefing nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2020, kaugnay ng Extraordinary China-Africa Summit on Solidarity against COVID-19.
Tinukoy din niya na napakahalaga ng mga plataporma na tulad ng nasabing extraordinary summit dahil mapapalakas nito ang ugnayan ng Tsina't Aprika at pagkakaisa ng buong mundo, upang mapabilis ang pagpuksa sa virus.
Dagdag pa niya, napakabilis ng pagkalat ng novel coronavirus, at kailangang isagawa ang mas mabilis na aksyon para mapagtagumpayan ito.
Salin: Vera