|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagsasabatas kamakailan ng Amerika sa umano'y "Uyghur Human Rights Policy Act of 2020," tinukoy ng mga personahe ng iba't ibang bansa na ito ay pag-atake sa kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang at sa patakaran ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang.
Ang aksyong ito ng Amerika anila ay pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at labag ng pandaigdigang batas at puntamental na prinsipyo ng pandaigdigang relasyon.
Ipinahayag ni Erkin Öncan, personahe ng media sa Turkey, na maliwanag na nakikialam ang Amerika sa mga suliraning panloob ng Tsina sa paggamit ng isyu ng Xinjiang.
Sinabi pa niyang sa mula't mula pa'y, nakikialam din ang Amerika sa karapatang pantao sa mga Muslim sa Gitnang Silangan.
Ipinahayag namn ni Fayaz Kiyani, Kilalang commentator sa Pakistan, na ang aksyong ito ng Amerika ay naglalayong ibaling sa ibang isyu ang kontradiksyong panloob ng bansa; at hadlangan ang pag-unlad at katatagan ng Tsina.
Sa kanya namang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Khin Maung Soe, opisyal at iskolar ng Political Science Alumni Association University of Mandalay (PSAA), Myanmar na ang aksyon ng Amerika ay pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at labag ng puntamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Ipinahayag din ni Mohamed Noman Galal, dating Embahador ng Ehipto sa Tsina na ang aksyon ng Amerika ay grabeng paglapastangan sa soberanya ng Tsina.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |