|
||||||||
|
||
Ipinalabas Hunyo 8, 2020, ng National Interest, pahayagan ng Amerika, ang artikulo na pinamagatang "Bakit ba tinulungan ng administrasyon ni Trump ang Tsina? " na sinulat ni Kishore Mahbubani, dating embahador ng Singapore sa United Nations (UN).
Sa artikulo, sinulat ni Mahbubani na:"walang duda, ang pamahalaan ni Trump ay ang pinkamahirap kausap na administrasyon ng Amerika na kinakaharap ng Tsina sapul nang simulan ni Henry Kissinger ang normalisasyon ng relasyong Sino-Amerikano noong 1971.
Pero, kung isasa-alang-alang ng pamahalaang Tsino ang isyung ito sa estratehiko at pangmalayuang anggulo, maaaring makita na tinutulungan ng administrasyon ni Trump ang Tsina.
Halimbawa, iniharap ni George Kennan, kilalang diplomata ng Amerika, na ang resulta ng kompetisyon ng Amerika at Soviet Union ay nakabatay sa imaheng ipinakita ng Amerika sa daigdig, tulad ng mayroong kakayahang maayos na hawakan ang mga isyung panloob, at mayroon itong malakas na puwersang moral.
Pero, walang ganitong imaheng ipinapakita ang administrasyon ni Trump.
Pagkaraang pumutok ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagkamatay ni George Floyd, ipinakita ng Amerika sa buong daigdig ang kabaligtarang impresyon.
Kumpara sa Amerika, itinaas ng Tsina ang sariling katayuan.
Ngayon, ipinalalagay ng mga tao na ang Tsina ay mayroong pinakamalaking puwersa sa buong daigdig. "
Narito ang artikulo sa opsiyal na website ng National Interest:
https://nationalinterest.org/feature/why-trump-administration-has-helped-china-161641
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |