|
||||||||
|
||
Sa regular na news briefing ng World Health Organization (WHO) hinggil sa COVID-19 nitong Lunes, Hunyo 22, 2020, isinalaysay ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na noong Hunyo 21, naiulat ang mahigit 183,000 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at pinakamataas ito sapul nang sumiklab ang pandemiya.
Saad niya, sa kasalukuyan, lumampas na sa 8.8 milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa daigdig, at pumanaw rito ang mahigit 465,000 katao. Mabilis na lumalaki pa rin ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa ilang bansa, at may pagtaas ang bilang ng mga kaso sa ilang bansang matagumpay na napigil ang pagkalat ng virus, pagkaraang buksan muli ang kani-kanilang kabuhaya't lipunan.
Hinimok niya ang lahat ng mga bansa na pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng mga pundamental na hakbangin sa kalusugang pampubliko.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |