|
||||||||
|
||
Nag-uusap sa video meeting Hunyo 23, 2020, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, at Ministrong Panlabas S. Jaishankar ng India.
Ipinahayag ni Wang na ang pagkakatatag ng mapayapa, matatag, bukas at kooperatibong "Post-epidemic world" ay angkop sa komong kapakanan ng iba't ibang bansa at kahilingan ng panahon.
Inilahad din ni Wang ang 3 mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina, Rusya at India: una, dapat igiit ang multilateralismo, at pabutihin ang pagsasaayos ng buong mundo; ikalawa, dapat palakasin ang kooperasyon ng tatlong bansa sa paglaban sa COVID-19 para magkakasamang matamo ang tagumpay; at ikatlo, dapat pabutihin ang mekanismong pangkooperasyon para tulungan sa isa't isa.
Binigyan-diin ni Wang na dapat samantalhin ng Tsina, Rusya at India ang kabuuang tunguhin ng kooperasyon, at tumpak at maayos na hawakan ang mga sensitibong elementong umiiral sa bilateral na relasyon para mapangalagaan ang mabuting pangkalahatang kalagayan.
Ipinahayag ni Lavrov at Jaishankar ang buong tatag na pagsuporta ng Rusya at India sa multilateralismo.
Nananagan ang dalawang bansa na ang relasyong pandaigdig ay dapat nakabatay sa prinsipyo ng pandaigdigang batas.
Bilang rotating chairman, ipinahayag ni Lavrov na sinisira ngayon ng ilang bansa ang kaayusang pandaigdig na nakasentro sa United Nations (UN).
Sa harap ng hamon, dapat magkaisa ang tatlong bansa, panatilihin ang estratehikong koordinasyon, palalimin ang kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, at pasulungin ang recovery ng kabuhayan, para magkakasamang mapagnalgaan ang kapayapaan, kasaganaan at katatagan ng buong mundo, dagdag niya.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |