Sunud-sunod na tinutulan kamakailan ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Rusya ang stigmatisasyon ng ilang bansa sa Tsina. Hinggil dito, ipinahayag Mayo 11, 2020, dito sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mataas na pinapurihan ng Tsina ang objektibo at makatarungang paninindigan ng Rusya.
Ayon sa ulat, sa pag-uusap sa telepono noong Mayo 8 ng mga lider ng Tsina at Rusya, tinututulan ni Pangulong Vladmir Putin ang stigmatisasyon sa Tsina sa katwiran ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Tinututulan din ng mga opisyal at dalubhasa ng Rusya ang pagiging pulitikal ng epidemiya. Ipinalalagay nila na dapat imbestigahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pananliksik na pansiyensiya, sa halip ng gawin ang epidemiya bilang sandatang pulitikal.
Hinggil dito, ipinahayag din ni Zhao na ang mga stigmatisasyon sa Tsina ay laban sa ibinahaging hangarin ng mga tao, kaya tiyak na mabibigo ang aksyong ito.
Salin:Sarah