|
||||||||
|
||
Sapul noong idaos ang Ika-18 Pambansang Kongresong Bayan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinakita ang lubos na pagpapahalaga ng Komite Sentral ng CPC sa pagpapatuloy at pag-unlad ng mga tradisyonal na kultura ng Tsina.
Sa iba't ibang situwasyon, binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang talumpati hinggil dito.
Ang Hunyo, 25, 2020 ay Dragon Boat Festival, isa sa mga pinakamahalagang pestibal ng Tsina.
Ayon sa kaugalian, isinasabit ng mga mamamayang Tsino ang mga pulang paketeng may lamang moksa harapan ng bahay bilang pagpapahayag ng kanilang kahilingan para sa kalusugan at kaligtasan.
Sa nayong Mazhuang ng lalawigang Jiangsu, mayroong isang matandang nagngangalang Wang Xiuying.
Siya ay Intangible Cultural Heritage Successor sa paggawa ng nasabing pulang pakete.
Dumating noong Disyembre ng 2017 si Pangulong Xi sa nayong Mazhuang at nakipagkita kay Wang Xiuying.
Sina Pangulong Xi Jinping sa nayong Mazhuang
Sinabi ni Xi sa kanya na dapat niyang ipagpatuloy ang mahalagang trandisyonal na kasanayan ng paggawa ng pakete.
Samantala, ang Mogao Caves na nasa Dunhuang ng lalawigang Gansu ng Tsina ay Buddhist cave temple ruins na may pinakamalaking saklaw sa Tsina sa kasalukuyan.
Sa paglalakbay rito ni Pangulong Xi noong Aogosto, 2019, ipinahayag niya na ang pangangalaga sa Mogao Caves at sa kultura ng Dunhuang ay responsibilidad ng nasyong Tsino at ito ay kultura ng daigdig.
Tinukoy rin niya na ang kultura ng Dunhuang ay lubos na nagpapakita ng paniniwalang kultural ng Nasyong Tsino.
Si Pangulong Xi sa kanyang paglalakbay sa Dunhuang
Sa kabilang dako, ang "Yong Qing Fang" na sa lunsod Guangzhou ng lalawgiang Guangdong ng Tsina ay isang matandang distrito na may mga 100 taong kasaysayan.
Noong Oktubre, 2018, isinagawa ni Pangulong Xi ang imbestigasyon sa kalagayan ng pangangalaga sa Yong Qing Fang.
Si Pangulong Xi sa Yong Qing Fang
Ipinahayag niya na sa proseso ng pagbalangkas at pagtatatag ng lunsod, dapat pahalagahan ang pangangalaga sa kultura.
Ang taong 2019 ay Ika-20 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng Macao sa inang bayan.
At dahil dito, pumunta sa Macao si Pangulong Xi para lumahok sa aktibidad ng pagdiriwang.
Si Pangulong Xi sa Macao
Sa kanyang paglalakbay, sinabi niya na bilang isang Tsino, dapat malaman ang sariling kasaysayan, kultura, at diwa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |