|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng video link, nakipagtagpo sa Beijing nitong Lunes, Hunyo 22, 2020 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga bagong lider ng Unyong Europeo (EU) na sina Charles Michel, Presidente ng European Council, at Ursula von der Leyen, Presidente ng European Commission.
Ito ang ika-5 beses na pakikipagtagpo ni Xi sa mga dayuhang lider, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, pero kauna-unahang pagkakataon ito sa virtual form. Ito rin ang kauna-unahang pagtatagpo ng lider na Tsino at mga bagong lider ng EU.
Si Charles Michel ay nanungkulan bilang Presidente ng European Council noong Disyembre 1, 2019. Dalawa't kalahating taon ang kanyang termino.
Si Ursula von der Leyen ay unang babaeng presidente sa kasaysayan ng European Commission.
Pananaw ni Xi sa relasyong Sino-Europeo
Diin ni Xi, gusto ng Tsina ang kapayapaan, sa halip ng hegemonya. Ang Tsina ay pagkakataon at partner, sa halip na banta at kakompetisyon. Aniya, dapat igalang ng panig Tsino't Europeo ang isa't isa, hanapin ang mapagkakaisahan habang isinasaisangtabi ang pagkakaiba, walang humpay na pahigpitin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, palawakin ang komong interes sa proseso ng kooperasyon, at resolbahin ang mga kahirapan sa proseso ng pag-unlad.
Kapuwa ipinahayag ng dalawang Europeong lider ang kahandaang isagawa ang estratehikong diyalogo sa panig Tsino, batay sa matapat na pakikitungo, upang mapalawak ang mga komong palagay.
Paninindigan ni Xi sa kooperasyong Sino-Europeo
Kaugnay ng kung paanong pasusulungin ang kooperasyong Sino-Europeo sa post-pandemic era, sinabi ni Xi na dapat masipag na hanapin ang bagong pagkakataon ng relasyong Sino-Europeo sa kalagayan ng krisis, at likhain ang bagong kayarian sa pabagu-bagong kalagayan.
Inulit ni Xi na anumang pagbabago ng situwasyong pandaigdig, papanigan ng Tsina ang multilateralismo. Laging iginigiit ng Tsina ang magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag, at pagtatamasa bilang ideya ng pagsasaayos ng buong daidig, dagdag pa niya.
Pagtanaw ni Xi sa paglikha ng impluwensiyang pandaigdig
Sa nasabing pagtatagpo, iniharap ni Xi na dapat likhain ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Europa na may mas malaking impluwensiyang pandaigdig.
Nakahanda aniyang panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa dalawang pangulo, pasulungin ang isang serye ng mahahalagang agendang pulitikal ng Tsina at Europa, at paunlaran ang relasyong Sino-Europeo sa bagong antas.
Matatayang pasusulungin ng mahahalagang agendang pulitikal ng Tsina at Europa ang pagpapalakas ng impluwensiyang pandaigdig ng komprehensibo't estratehikong partnership ng kapuwa panig, at pasisiglahin ang positibong puwersa sa daigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |