Ipinagdiinan Martes, Hunyo 23, 2020 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, na dapat pag-ibayuhin ang pagsisikap sa paglaban sa iligal na droga, kumpletuhin ang sistema ng pangangasiwa sa droga, palalimin ang kooperasyong pandaigdig sa pagbabawal sa droga, at pasulungin ang walang humpay ng pagtatamo ng mga gawaing kontra droga ng bagong progreso.
Winika ito ni Xi sa isang pulong ng pagbibigay-gantimpala sa mga namumukod na organisasyon at indibiduwal sa larangan ng pagkontrol sa droga.
Ang nasabing pulong ay ginanap, sa pamamagitan ng video at teleconference, sa bisperas ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking na nakatakda sa Hunyo 26.
Salin: Vera