Ayon sa pagtaya ng International Monetary Fund (IMF) nitong Miyerkules, Hunyo 24, 2020 (local time), bababa ng 4.9% ang kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon. Tinaya rin nito na sa susunod na taon, manunumbalik ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 5.4%. Tinawag ng IMF ang kasalukuyang COVID-19 pandemic bilang pinakamalubhang krisis mula nang Great Depression noong taong 1930.
Sa isang panayam ng China Media Group (CMG), sinabi ni Gita Gopinath, punong ekonomista ng IMF, na ayon sa pagtaya, ang Tsina ay nagiging tanging pangunahing ekonomiyang napapanatili ang paglaki.
Tungkol sa ginagampanang papel ng Tsina sa larangan ng pandaigdigang kooperasyon, ipinahayag niya na sa aspektong medikal, ang Tsina ay nagsisilbing pangunahing nagluluwas ng mga kagamitang medikal sa panahon ng krisis. Ito aniya ay napakahalaga. Sa ibang dako, sa kasalukuyan at susunod na taon, napakalakas na mapapanumbalik ang paglaki ng kabuhayang Tsino, at ito ay makakatulong nang malaki sa kabuhayang pandaigdig, aniya pa.
Salin: Lito