Sapul noong Hunyo 27, 2020, 650,600 mamamayan sa Lalawigang Hubei ng Tsina ang naapektuhan ng malakas na ulan, at umabot sa 457 milyong yuan RMB ang naitalang direktang kapinsalaang pangkabuhayan.
Samantala, ipinadala na ng emergency management department ng Hubei ang dalawang working group sa mga apektadong lugar, upang suriin ang kalagayan ng kalamidad at bigyang-patnubay ang gawaing panaklolo.
Puspusang nagpupunyagi ang mga komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa iba't ibang antas, pamahalaang lokal, at emergency management department upang mailigtas ang mga nakukulong na mamamayan, mailikas ang mga tauhang nasa panganib, at mapasulong ang relief works.
Salin: Vera