Idinaos nitong Lunes, Hunyo 29, 2020 (local time) ni Andrew Cuomo, Gobernador ng estadong New York ng Amerika, ang news briefing upang ilahad ang pinakahuling kalagayan ng epidemikong COVID-19 sa kanyang estado.
Nanawagan si Cuomo kay Pangulong Donald Trump na magsuot ng maskara para maging modelo ng mga mamamayang Amerikano.
Bukod dito, nanawagan siya sa White House na tumpak na pakitunguhan ang saklaw at banta ng COVID-19. Sa sandaling ito, dapat ipagbigay-alam ng lider na Amerikano ang tunay na kalagayan sa mga mamamayang Amerikano na kinabibilangan ng kalagayan ng pambansang kabuhayan, dagdag pa niya.
Salin: Lito