Target ng Tsina na pawiin ang karalitan at isakatuparan ang may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas sa taong 2020. Narito ang kuwento ng isang magsasakang Tsino na si Zhang Dehua, hinggil sa kung paano niyang tinulungan ng mga kababayang makahulagpos sa kahirapan, sa pamamagitan ng kaalaman.

Ang 39 na taong gulang na si Zhang ay galing sa Yiyang, siyudad ng lalawigang Hunan sa gitnang Tsina. Dahil sa kakapusan, noong edad na 16 pa lamang, sapilitan siyang nahinto sa pag-aaral sa paaralan at nagtrabaho. Marami siyang pinasok na trabaho na gaya ng waiter, manlalako ng prutas, at iba pa. Pero, sa libreng oras, itinuloy ni Zhang ang pag-aaral at nakuha ang diploma ng pagsasanay na bokasyonal. Kasi, naniniwala si Zhang na ang karunungan lang ang nagbabago ng kanyang tadhana.
Noong 2008, dahil sa iba't ibang preperensyal na patakaran, nagdesisyon si Zhang na bumalik sa Yiyang at nagsimula ng sariling negosyo. Balak niyang gawin ang prineserbang gulay na de lata. Sa tulong ng sentro ng pagsasanay sa mga nais magnegosyo ng Yiyang, natamo niya ang suportang panteknolohiya mula sa Hunan Agricultural University. Iba't iba ang ibinibigay na gabay ng mga dalubhasa na gaya ng pagtatanim at pagpoproseso ng gulay, at pagpopromote ng tatak. Bunga ng pag-unlad ng kompanya ni Zhang, mahigit 1,100 magsasakang lokal ang nakaahon sa kahirapan.




Si Zhang ay isa lamang sa mga magsasakang bumalik sa lupang tinubuan at nagkaroon ng sariling negosyo. Salamat sa kanilang pagsisikap at mga patakarang sumusuporta sa mga mamamayan, mas maraming magsasakang Tsino ang nakahulagpos sa kahirapan tungo sa kayamanan.
Salin: Jade
Pulido: Mac