|
||||||||
|
||
Isasakatuparan ngayong taon ng Tsina ang target na maiahon sa karalitaan ang lahat ng natitirang mahihirap na mamamayan. Ito ang winika ngayong araw ni Premyer Li Keqiang sa kanyang government work report para suriin ng taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan, o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Diin ni Li, patuloy na tutulungan ng pamahalaang sentral at lokal ang mga mahirap na mamamayan, sa pamamagitan ng konsumo, at iba pang industriya hangga't matustusan at maging maayos ang pamumuhay nila.
Hanggang katapusan ng 2019, may 5.51 milyong mahihirap na mamamayan ang Tsina. Ang epidemiya ng COVID-19 ay nagdulot ng bagong hamon sa usaping ito.
Nitong pitong dekadang nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949, mahigit 800 milyong mamamayang Tsino ang nakaahon sa karalitaan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |