![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ipinahayag nitong Linggo, Hulyo 5, 2020 (local time) ni Peter Altmaier, Ministro ng Kabuhayan ng Alemanya, na posibleng matapos sa darating na taglagas ang pagbaba ng kabuhayang Aleman na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa kanyang pagtaya, bababa ng 6% ang kabuhayang Aleman sa kasalukuyang taon.
Ngunit, lalaki ito ng mahigit 5% sa darating na taon.
Aniya, ang malawakang pagkalat ng corona virus sa Amerika ay posibleng magdulot ng negatibong epekto sa pandaigdigang kabuhayan.
Pinuna rin niya ang kapasiyahan ng pamahalaang Amerikano na malawakang bilhin ang Remdesivir, gamot laban sa virus, na sinubok-yari ng kompanyang Amerikano.
Ito ay isang napakasamang kilos ng pag-buyout ng merkado at pagmonopolyo ng bakuna, dagdag pa niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |