Sa news briefing ng World Health Organization (WHO) hinggil sa progreso ng pananaliksik at pagdedebelop sa COVID-19 nitong Huwebes, Hulyo 2, 2020, kaugnay ng pagbili ng Amerika ng halos lahat ng production capacity ng Remdesivir kamakailan, sinabi ni Soumya Swaminathan, Punong Siyentipiko ng WHO, na napakahalaga ng pagbubuklud-buklod ng buong mundo, hindi lamang para sa Remdesivir at iba pang gamot, kundi rin sa mga posibleng idebelop na bakuna. Ito ay pagsubok sa buong sangkatauhan, aniya.
Pinahintulutan na ng Gilead Sciences, Inc., kompanyang nagpoprodyus ng Remdesivir, ang ibang mga bahay-kalakal na magprodyus ng nasabing gamot. Inaasahang dadami ang suplay ng Remdesivir sa susunod na ilang linggo.
Salin: Vera