|
||||||||
|
||
Inihayag nitong Martes, Hunyo 30, 2020 ni Anthony Fauci, Direktor ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) ng Amerika at dalubhasa sa nakahahawang sakit, ang mariing kawalang-kasiyahan sa pagkontrol ng Amerika sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nang dumalo sa pagdinig ng mataas na kapulungan, sinabi niyang mali ang direksyon ng Amerika.
Palagay ni Fauci, napakahalagang ipaalam ang kanyang pagkabahala sa mga mamamayang Amerikano, dahil posibleng mas lumala ang situwasyon.
Dagdag niya, malinaw na nakikitang di-kayang ganap na kontrulin ng Amerika ang kalagayan.
Aniya, kung kakalat pa rin ang coronavirus sa komunidad hanggang magsimula ang flu season sa taglagas, mahaharap ang sistemang pangkalusugan ng Amerika sa napakalaking pasanin.
Tuluy-tuloy na sumasama ang kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa Amerika. Noong Hulyo 1, lumampas sa 50,000 sa kauna-unahang pagkakataon ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmado kaso sa loob ng isang araw. Kumakalat ang pandemiya sa mahigit 30 estado ng bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |