Sinimulan nitong Martes, Hulyo 7, 2020 ang serye ng virtual meetings ng China-Shanghai Cooperation Organization (SCO) tungkol sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga dalubhasa at iskolar na Tsino at mga tauhang medikal ng mga kasaping bansa ng SCO na sa proseso ng pakikibaka ng buong daigdig laban sa epidemiya, ang mga plataporma ng pagpapalitan ng mga impormasyon sa propesyonal na larangan na itinatag ng mga multilateral na mekanismong kinabibilangan ng SCO, ay magkakaloob ng malakas na tulong sa ibayo pang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at pagpapa-ahon ng kabuhayan.
May apat na tema ang naturang serye ng pulong na kinabibilangan ng magkakasamang pagtalakay sa pagpigil, magkakasamang pagtalakay tungkol sa pagbibigay-lunas, magkakasamang ikinababahala, at magkakasamang paglutas sa mga problema.
Nagkaroon ng pagpapalitan ng mga karanasan sa pagpigil at pagbibigay-lunas ang mga kalahok na tauhang medikal.
Salin: Lito